Pages

Jun 6, 2009

Aral Sa Buhay

Isang 91 taong gulang na babae ang namatay. Nang makilala niya ang Diyos tinanong niya ito ng isang bagay na matagal nang bumabagabag sa kanya. Kung ang mga tao ay nilikha sa Kanyang wangis, at kung ang lahat ay nilikha ng patay-pantay, bakit my mga tao na sobrang sama kung tratuhin ang bawat isa?

Sumagot ang Diyos na ang bawat taong dumarating sa ating buhay ay may kanya-kanyang natatanging aral na dala para ituro sa atin. At sa pamamagitan lamang ng mga aral na ito natin matututunan ang mga bagay-bagay sa buhay, mga tao, mga relasyon at Diyos. dahil sa mga ito lalung nalito ang babae, kaya nagsimula na ang Diyos na magpaliwanag.

Kapag ang isang tao ay nagsinungaling sayo, ito'y natuturo sa'yo na hindi lahat ng nakikita mo ay totoo. Ang katotohanan ay mas madalas na higit pa sa panlabas na anyo. Tignan mo ang mga tao nang higit pa sa kanilang mga takip sa mukha para malaman mo ang laman ng kanilang mga puso.

Kung may nagnakaw sa iyo, ito ay nagtuturo sa iyo na walang anuman ang panghabangbuhay. Laging pahalagahan kung ano ang mayroon ka, sapagkat hindi mo alam kung hanggang kailan ito sa iyong pag-aari. At 'wag na 'wag mong babaliwalain ang iyong mga kaibigan at pamilya dahil ito lamang ang panahon o araw na siguradong kasama mo sila.

Kung may nagpapahirap sa iyo, ito ay nagtuturo sa iyo na ang pagiging tao ay sadyang marupok. Bantayan at alagaan ang iyong katawan sa abot ng iyong makakaya, ito lang siguradong mayroon ka habangbuhay.

Kapag may nanlait sa'yo ito ay nagtuturo na walang dalawang tao ang magkapareho, kung makakasalamuha ka ng mga taong iba sa iyo, huwag mo silang husgahan sa pamamagitan ng kanilang anyo o kung paano sila kumilos, bagkus ay sa pamamagitan ng iyong opinyun ayun sa laman ng kanilang mga puso.

Kapag may dumurog ng iyong puso, ito ay nagtuturo sa iyo na hindi sa lahat ng pagkakataon na magmamahal ka ay mamahalin ka rin ng taong iyong mahal. Ngunit 'wag mong talikuran ang pag-ibig dahil kapag nahanap mo na ang tamang tao, ang mga paghihirap at sakit na naranasan mo dati ay mapapalitan ng walang kasing tulad na ligaya at saya, nang sampung ulit.

Kapag may taong may sama ng loob sa'yo, ito ay nagtuturo na ang bawat tao ay nagkakamali. Kapag sila ay nagasala sa iyo, ang panikawalang-bahid at pinakadakila na magagawa mo ay patawarin sila ng walang pagpapanggap.

Ang patawarin ang mga taong nagkamali o nagkasala sa atin ay ang pinakamahirap at pinakamatapang na kayang gawin ng isang tao.

Kapag ang isang minamahal ay hindi naging tapat sa iyo, ito ay nagtuturo na ang labanan ang tukso ay ang pinakamatinding pagsubok sa buhay ng isang tao. Maging mapagmasid sa paglaban sa lahat ng klase ng tukso. Sa pagpapanatili nito ikaw ay gagantimpalaan ng pangmatagalang tunay na kasiyahan at kaligayan na mas higit pa sa maibibigay sayo ng tukso.

Kapag my nanlamang sa iyo, ito ay nagtuturo sa iyo na ang pagiging sakim ang nagiging ugat ng lahat ng kasamaan. Hangarin mo na matupad lahat ng iyong mga pangarap, gaano man ito katayog. Huwag isiping may pagkakamali ka sa iyong tagumpay, at siguraduhin mong hindi ka matatangay ng iyong sariling pagnanais na magtagumpay na humantong sa panlalamang sa kapwa at hindi makatarungang gawain.

Kapag pinagtawanan ka, ito ay nagtuturo sa iyo na walang sinuman ang walang-kapintasan. Matutong tanggapin ang katangian ng mga tao at kanilang mga kalikuan o kapintasan. Huwag na 'wag tatanggihan o iiwasan ang sinuman nang dahil lamang ka kanyang pagkakamali o kapintasan na kung saan siya ay walang anumang kakayahang kontrolin ito.

Sa pagkakarinig sa karunungan ng Diyos, napagtantu ng matandang babae na wala palang matututunang aral sa mga magagandang gawain ng tao.

Sumagot ang Diyos na ang kakayahan ng taong magmahal ay ang pinakadakilang handog na mayroon siya. Sa dulo ng bawat kagandahang asal ay pagmamahal, at ang bawat kilos ng may pagmamahal ay nagtuturo sa atin ng isang aral.

Lalong lumalim ang pagtataka ng babae, at muli na naman nagpaliwanag ang Diyos.

Kapag may nagmahal sa'yo, ito ay nagtuturo sa iyo na ang pagmamahal, kagandahang-loob, kawanggawa, katapatan, kababaang-loob, kapatawaran at pagtanggap ay kayang hadlangan ang lahat ng kasamaan sa buong mundo. Sa bawat mabuting gawa ay may isang masamang gawa ang nawawala. Ang tao mismo ang may kakayahang timbangin ang mabuti sa masama, dahil nga lang sa ang aral ng pagmamahal ay hindi gaanong naituturo, ang kapangyarihan ay madalas nasasamantala.

Kapag pumasok ka sa buhay ng isang tao, ito man ay pinlano o nagkataon lamang, laging isaalang-alang ang iyong mga magiging aral. Ituturo mo ba ang pagmamahal o ang masakit na katotohanan ng reyalidad? Kapag namatay ka, magiging mas mapagmahal ba ang iyong buhay o mas makakasakit ka? MAs nakakaginhawa ba o lalung nakakabigat? Mas nakakasaya ba o mas nakakalungkot? Bawat isa sa atin ay may kakayahang timbangin ang pag-ibig sa mundo. Gamitin ito ng may talino.

2 comments:

  1. Read This URL below!

    http://lastdaysrevival.blogspot.com/2007/09/signs-of-times.html

    ReplyDelete
  2. Some won't appreciate what you say or do.But as long as you speak honestly from the heart you'll be fine.This is not a perfect world,this is not a perfect life.But life loves the person who dares to live it by being real..

    ReplyDelete