Pages

Sep 27, 2009

Naghihintay Ang Ating Korona

Kaya nga, tayo rin naman ay napapalibutan ng gayong makapal na ulap ng mga saksi. Ating isaisangtabi ang bawat bagay na humahadlang sa atin at ang kasalanang napakadaling bumalot sa atin. Takbuhin nating may pagtitiis ang takbuhing inilaan sa atin. 2Ituon natin ang ating mga mata kay Jesus na siya ang nagpasimula at nagpapaging-ganap ng ating pananampalataya. Siya ay nagbata ng krus alang-alang sa kagalakang itinalaga sa kaniya at hinamak niya ang kahihiyan. Pagkatapos ay umupo sa kanang kamay ng trono ng Diyos.

Noong 490 BC, Isang napakahalagang laban ang ipinanalo ng mga Athenian laban sa pwersa ni Haring Darius I ng Persia, sa isang malapit na kapatagan sa Greece sa bayan ng Marathon.

Sa paghahatid ng isang napakahalagang mensahe ng kanilang tagumpay, isang Griyegong sundalo na sanay magdadala ng magandang balita ay namatay - nakumpleto niya ang 26 na milyang layo ng pagtakbo at dala-dala ang magandang balita. At matapat niya itong ginampanan hangang sa sandali ng kanyang kamatayan. Sa ngayon ay ginaganap ang MArathon sa iba't-ibang panig ng mundo bilang paggunita sa kaganapang iyon 2500 taon na ang nakakalipas.

Sinumang nakaranas na ng pagtakbo sa isang marathon ay kayang sabihin sayo kung gaano kahirap ang palakasang ito. Kahit gaano ka pa ka-trained, gaano ka kagaling, at gaano ka kahanda, may mga sandali pa rin sa karera na parang gusto mo ng umayaw. Ngunit para doon sa mga nagpursige hanggang matapos ang karera ay may nag-aantay na gantimpala. Noong sa kapanahunan ni Haring Darius, mananalo ka lamang ng isang koronang gawa sa mga dahon ng laurel. Ngayon ang mga atleta ay naglalaban-laban para sa mga tropeyo at medalya.

Ngunit sa karera ng Diyos, tayo ay nananalo ng isang bagay na higit na mas mahalaga - isang koronang hindi nasisira.

Alam kong pagod ka na ngayon, sobra na sa trabaho at parang gusto nang sumuko. Magpakasigla! Kung naiisip mong hindi mo na kaya pang tumakbo, KAYA MO! Magpatuloy lang para sa dakilang regalong sa atin ay naghhihintay.

Kasama natin ang Diyos, nagpapalakas sa ating mahihinang mga tuhod at naggagabay sa atin sa tamang landas!!! Marami pang trabahong dapat gawin!

1 comment: