Mar 7, 2009
Pagkakaibigan
Glitter Graphics & Comments
Isang kwento tungkol sa isang sundalo noong panahon ng giyera na papauwi na matapos ang labanan sa madugong digmaan. Tinawagan niya ang kanyang mga magulang upang ipaalam na siya ay uuwi na.
Anak: "Inay, itay uuwi na po ako at may pabor sana akong hihilingin sa inyo. May kaibigan akong nais kong isama sa aking pag-uwi."
"Sige, ayus lang" Sagot ng magulang.
"Meron kayong dapat malaman" Patuloy ng anak. "Lubha siyang nasugatan sa labanan at nawalan siya ng mga kamay at paa. Wala na siyang mapupuntahan at gusto ko sanang tumira na lang siya sa'tin"
"Nalulungkot akong marinig yan anak ko. Maaari natin siya hanapan ng ibang matitirahan."
"Hindi po, nais ko po siyang tumira satin"
"Anak" Sabi ng ama. "Hindi mo alam ang hinihiling mo. Isang taong may ganyang kapansanan ay magiging isang mabigat na pasanin para sa'tin. Meron tayong sariling mga buhay at hindi namin kayang hayaan na maabala ang ating pamumuhay. Sa tingin ko pwede ka nang umuwi at kalimutan na ang taong yan. Makakahanap rin siya ng paraan para mabuhay ng kanyang sarili."
Sa sandaling yun, ibinaba ng anak ang telepono at wala nang narinig pa ang magulang mula sa kanya. Ilan araw ang makalipas, nakatanggap sila ng tawag mula sa mga kinauukulan. Namatay ang anak nila mula sa pagkakahulog sa isang gusali. Naniniwala ang mag pulis na malamang ay nagpakamatay ang anak nila. Agad-agad nagpunta ang mga magulang sa lugar na kung saan nakadestino ang kanilang anak at sa morge para kumpirmahin ang katawan ng kanilang anak, nakilala nila at ito nga ang anak nila at sa kanilang pagkagulat ay nalaman nilang wala na pala itong isang kamay at isang paa.
Ang mga magulang sa kwento ito ay halos katulad ng marami sa atin. Mas nadadalian tayong mahalin yung mga taong walang kapansanan o maganda ang hitsura o pangangatawan at yung mga tao na masasaya kasama, ngunit ayaw naman natin dun sa mga taong sagabal lang sa atin at magagawa tayong hindi komportable. Mas ginugusto nating lumayo na lang sa mga taong hindi natin kasing ayos o kasing talino.
Thankfully, there's someone who won't treat us that way. Someone who loves us with an unconditional love that welcomes us into the forever family, regardless of how messed up we are. Jesus never treated us like those parents treated the friend of their son, He is willing to accept us no matter who we are and we we have done in our lives, as long as we have a sincere and humble heart. And we are expected to do what Jesus did to us as an example of His love in this world, I know it is not that easy but at least let's try to.
Ngayung gabi bago tayo matulog, manalangin tayo kay God na bigyan tayo ng kalakasan at lakas ng loob para tanggapin ang mga tao anuman at kung sino man sila, at tulungan tayong maging maunawain sa mga taong naiiba sa atin! May isang himala na tinatawag na PAGKAKAIBIGAN na nananahan sa ating mga puso. Hindi natin alam kung paano ito nangyari o nagumpisa.At ating malalaman na ang pagkakaibigan ay isang pinakamagandang regalo na bigay ng Diyos sa atin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
im so touched with the story!
ReplyDeletewere all blessed to have a God who is willing to love us unconditionlly despite our differences..
This is wonderful.
ReplyDeleteThanks God for the love that is never failing!!