Pages

Mar 28, 2009

Pagpapahalaga Kung Ano Ang Meron Ka

Araw na naman ng linggo, nagmamadali akong pumunta sa supermarket para bumili ng mga pagkain at gamit sa bahay para sa linggong ito na hindi ko pa nabibili. Nang makarating ako sa palengke, hindi ako natuwa sa aking nakita, napakaraming tao na tila ba pasko na bukas at nagyon na ang huling araw para mamili ng may discount. Kung pwede lang ako humiga na lang sa bahay at matulog maghapon, yun na lang gagawin ko kung hindi lang talaga kailangan ang mamili sa palengke.

Nakakainit ng ulo ang mga presyo ng mga bilihin,ang tataas. Habang natitingin-tingin sa hanay ng mga laruan may nakita akong isang batang lalaki mga nasa walong taon siguro ang edad at may yakap-yakap na manyika sa kanyang dib-dib. paulit-uli niyang hinihimas ang buhok nito habang may mukhang malungkot. Nagtataka ako kung para kanino ang laruang manyikang yun.

Bigla niyang kinausap ang isang matandang babae sa kanyang tabi, " Lola sigurado ka? Na hindi sapat ang pera ko?"

Sumagot ang lola, "Apo, alam mong kulang ang pera mo para ipambili ng laruang ito."

At sinabihan siya ng matandang babae na manatili sa lugar na yun at saglit lang na may titignan sa ibang hanay.

Hawak lamang ng bata ang laruan sa kanyang mga kamay. Nilapitan ko siya at tinanung kung sino ang gusto niyang pagbigyan ng manyika.

"Ito ang manyika na gustong-gusto ng aking kapatid na babae na magkaraoon simula pa nung huling pasko na nagdaan. Sigurado siya na ibibigay ito ni Santa sa kanya kahit tapos na ang pasko."

Sinagot ko siya na siguradong ibibigay ito ni Santa sa kanyang kapatid at 'wag nang mag-alala. Ngunit bigla siyang nagsalita sa malungkot na tono. "Hindi, Hindi ito maibibgay ni Santa kung nasaan ang kapatid ko ngayun. Kailangan kong ibigay ang manyika sa nanay ko para siya mismo ang mag-abot sa kapatid ko pagpunta niya dun." Napakalungkot na mga mata niya habang binibitiwan ang mga salitang iyon.

"Ang kapatid ko ay nasa langit na kasama ang Diyos. Sabi ng tatay ko na anumang oras ay aalis na ang aking ina upang makipagkita sa Diyos, kaya iniisip ko na maaari niyang dalhin ang manyikang ito at ibigay sa aking kapatid."

Halos huminto sa pagtibok ang puso ko sa narinig. Hindi ko alam ang aking sunod na sasabihin sa mga sandaling yun.

Nakatingin sa akin ang bata at sinabi: "Sabi ko sa tatay ko na sabihin kay nanay na 'wag muna umalis. At hintayin ako hanggang pagbalik ko mula supermarket."

At may ipinakita siyang napakagandang larawan na kung saan siya ay nakangiti.

" Sinabi ko rin kay nanay na dalhin ang larawang ito para hindi niya ako makalimutan. Mahal na mahal ko ang aking ina gusto ko nga hindi na siya umalis e pero sabi ng tatay e kailangan niyang umalis para may makasama ang aking kapatid na babae."

Muli siyang tumingin sa manyika nang may malulungkot na mga mata. Dali-dali kong kinuha ang pitaka ko upang kumuha ng pera: "Bakit hindi natin subukang bilangin ulit ang pera mo?"

"Sana may sapat talaga akong pera" bulong niya. Muli namin binilang ang kanyang pera at idinagdag ko ang perang galing sa aking pitaka nang hindi niya napapansin. Sumapat and pera para sa manyika at may sukli pang iilan.

"Maraming salamat po Panginoon sa pagbibigay ng saktong pera." utal ng munting bata at tumingin sa akin. "Kagabi bago ako natulog, nanalangin ako kay God na bigyan ako ng sapat na pera para pambili nito at nang maibigay ito ng aking nanay sa kapatid ko. Pinakinggan ng Diyos ang panalangin ko." "Gusto ko rin magkaroon ng pera para pambili ng puting rosas para sa nanay ko, pero ayaw ko humingi kay God ng sobra-sobra. Ngunit binigyan pa rin niya ako ng sapat para pambili ng manyika at puting rosas. Alam mo bang gusto ng nanay ko ang mga puting rosas?

Mga ilang minuto ang nakalipas dumating na ang matandang babae na kasama ng bata at ako nama'y umalis na. Tinapos ko ang pamimili ng may kakaibang pakiramdam. Hindi ko maalis sa isip ko ang munting bata. Naaalala ko ang isang nabasa ko sa isang diyaryo mga dalawang araw na ang nakakalipas, tungkol sa isang nakainom na lalaki sa trak na bumangga sa isang kotse na may sakay na isang batang babae at ang ina nito. Namatay kaagad ang anak na babae, at naiwan ang inang nasa kritikal na kalagayan. Kinailangan ng pamilya na magdesisyon kung tatanggalain na lang ba nila ang makinang nagpapahaba ng buhay at paghihirap ng ina sapagkat sinabi na ng mga doktor na malabo pang makaligtas sa pagkaka-coma and pasyente. malaki ang posibilidad na ito ang pamilya ng batang lalaking iyon. Dalawang araw matapos kong makilala ang batang lalaki, nabalitaan ko mula sa isang pahayagan na namatay na ang inang biktima ng banggaan. hindi ko napigilan ang aking sarili kaya't bumili ako ng mga rosas at pumunta ako sa pinagbuburulan ng labi ng babae. Nandun ang ina, sa kanyang ataul, may hawak na napakagandang puting rosas, larawan ng batang lalaki na aking nakilala at ang manyika na nasa kanyang dib-dib. Nilisan ko ang lugar nang may luha sa mga mata, pakiramdam ko nagbago ang buhay ko na sa mahabang panahon ay halos wala akong pagpapahalaga sa mga magagandang nangyayari sa akin.

Ang pagmamahal ng batang lalaki sa kanyang Ina at nakababatang kapatid na babae ang hanggang ngayun ay napakahirap isipin. At sa loob lamang ng ilang segundo, ay nawala ito sa kanya dahil sa lalaking lasing na nagmamaneho. Ngayon napagtanto ko na dapt akong magpahalaga sa mga bagay na meron ako at sa pamilya ko na kumpleto at walang mga problema sa buhay.

No comments:

Post a Comment