Pages

Nov 27, 2008

Tagalog Father's Love Letter.


Aking Anak...


Aking AnakMarahil hindi mo Ako kilala, subalit batid ko ang lahat tungkol sa iyo
Awit 139:1
Batid ko kapag ika'y nakaupo at kapag ika'y nakatindig
Awit 139:2
Batid ko ang lahat ng gawain mo
Awit 139:3
Maging ang mga buhok mo sa ulo ay aking nabibilang
Mateo 10:29-31
Pagkat ika'y nilikha sa aking wangis
Genesis 1:27
Sa akin ika'y buhay, nakakakilos at ganap
Gawa 17:28
Pagkat ika'y nagbuhat sa akin
Gawa 17:28
Kilala na kita bago ka pa ipinaglihi
Jeremias 1:4-5
Hinirang na kita nang balakin ko ang paglikha
Efeso 1:11-12
Hindi ka isang pagkakamali, pagkat lahat ng araw mo'y nakatitik sa aking aklat
Awit 139:15-16
Aking itinakda ang panahon ng 'yong pagsilang at saan ka mananahan
Gawa 17:26
Buong ingat at buong inam kitang nilikha
Awit 139:14
Aking hinugis ang lahat mong sangkap sa sinapupunan ng 'yong ina
Awit 139:13
At iniluwal ka sa araw ng 'yong pagsilang
Awit 71:6
Ako'y di wastong pinakilala ng mga hindi nakakikilala sa akin
Juan 8:41-44
Hindi Ako malayo ni galit, sa halip Ako'y ganap na kapahayagan ng pag-ibig
1 Juan 4:16
At nasa 'kong puspusin kita ng aking pag-ibig
1 Juan 3:1
Dahil ika'y aking anak at Ako ang iyong ama
1 Juan 3:1
Aking ihahandog sa iyo ang higit pa sa maaaringibigay ng iyong ama
Mateo 7:11
Dahil Ako ang ganap na ama
Mateo 5:48
Lahat ng mabuting kaloob na iyong tinatanggap ay galing sa aking kamay
Santiago 1:17
Pagkat Ako ang nagkakaloob at katatagpuin ko ang lahat ngiyong pangangailangan
Mateo 6:31-33
Aking plano para sa iyong kinabukasan ay laging puspos ng pag-asa
Jeremias 29:11
Pagkat ika'y mahal ko ng walang hanggang pag-ibig
Jeremias 31:3
Ang aking isipan patungkol sa iyo ay sindami ng buhangin sa dalampasigan
Awit 139:17-18
At Ako'y masayang aawit sa iyo ng may kagalakan
Sofonias 3:17
Ako'y di titigil sa paggawa ng mabuti sa'yo
Jeremias 32:40
Dahil ikaw ang aking pinakamamahal na kayamanan
Exodo 19:5
Aking nais na patatagin ka ng buong puso't kaluluwa ko
Jeremias 32:41
At nais kong ipahayag sa iyo ang mga dakila't mahihiwagang bagay
Jeremias 33:3
Kung Ako'y buong puso mong hahanapin, Ako'y iyong masusumpungan
Deuteronomio 4:29
Hanapin mo sa akin ang iyong kaligahayan at aking ibibigay ang mga naisin ng iyong puso
Awit 37:4
Pagkat Ako ang nagbigay ng iyong mga naisin
Filipos 2:13
Ako'y makagagawa ng higit sa iyong iniisip
Efeso 3:20
Dahil Ako ang iyong dakilang mang-aaliw
2 Tesalonica 2:16-17
Ako din ang Ama na aaliw sa iyo sa lahat ng kapighatian
2 Corinto 1:3-4
Kapag ika'y bigo, Ako'y malapit sa iyo
Awit 34:18
Tulad ng pagkanlong ng pastol sa isang tupa, Kinanlong kita palapit sa aking puso
Isaias 40:11
Isang araw papahirin ko ang bawat luha sa iyong mga mata
Pahayag 21:3-4
At aking papawiin ang lahat nghirap na iyong dinanas sa mundong ito
Pahayag 21:3-4
Ako ang iyong Ama, at iniibig kita gaya ng aking pag-ibigsa aking anak na si Jesus
Juan 17:23
Pagkat kay Jesus, ang pag-ibig ko sa iyo ay nahayag
Juan 17:26
Siya ang ganap na sinag ng aking pagka Diyos
Hebreo 1:3
Siya ay dumating upang ipakita na Ako ay panig sa iyo, at hindi laban sa iyo
Roma 8:31
At upang sabihin sa iyo na hindi ko binibilang ang iyong mga kasalanan
2 Corinto 5:18-19
Si Jesus ay namatay upang ikaw at Ako ay magkasundo
2 Corinto 5:18-19
Ang kanyang kamatayan ay naging ganap na kapahayagan na ng aking pag-ibig sa iyo
1 Juan 4:10
Aking ipinagkaloob ang lahat ng aking iniibig upang makamit ang iyong pag-ibig
Roma 8:31-32
Kung iyong tatanggapin ang kaloob ng aking anak na si Jesus, tinanggap mo rin Ako
1 Juan 2:23
At wala nang makapaghihiwalay sa iyo sa aking pag-ibig
Roma 8:38-39
Umuwi ka na sa akin at Ako'y magpapahanda ng pinakamalaking handaan na mangyayari sa langit
Lucas 15:7
Ako ang Ama sa pasimula pa, at palaging magiging Ama
Efeso 3:14-15
Ang tanong ay… Maaari ba kitang maging anak?
Juan 1:12-13
Ako ay naghihintay sa iyo…
Lucas 15:11-32

Nagmamahal, Iyong Tatay
Makapangyarihang Diyos
..."Father's Love Letter Used By Permission Father Heart Communications Copyright 1999-2008 Translated by Luther Jeremiah G. Oconer http://www.fathersloveletter.com/"

2 comments:

  1. Father's Love Letter was originally written in english and is now being translated into more than 90 languages from over 125 nations and one of them is the Tagalog version.

    The author never imagined in his life that this simple illutration of sermon that was presented in January 1999 would ended up being translated into so many languages and would touch every people's heart around the world.

    What is Father's Love Letter?

    According to their website of the FLL (Father's Love Letter) it is the compilation of bible verses from Old and New Testaments that are presented in a form of Letter from God to us His childen.

    Each line in the Father's Love Letter message is paraphrased, which means they have taken each Scripture's overall message and summarized it as a single phrase to best express it's meaning.

    Today They are giving pemission for this Father's Love Letter to be downloaded and share it to others as long as you do in any form.

    All you have to do is abide in the policy for using the content and this Father's Love Letter is available in different media.

    Just visit the site for more infomation at www.fathersloveletter.com.

    ReplyDelete
  2. I just found it very touching when I first read it especially the tagalog version na kung saan ay talagang naiintindihan mo yung bawat letra na nakasulat at kung ano ang nais ipahiwatig ng sulat.

    Naramdaman ko talaga ang pag-ibig ng Diyos para sa atin na handa Siyang maging ama natin anumang oras basta lang tumawag tayo sa kanya ng buong puso at pagpapakumbaba na gusto natin siyang maging Ama.

    Pinapaalala din sakin ng sulat na ito na ang Diyos ay laging nandiyan para sakin at hindi niya ako iniiwan dahil alam niya ang lahat ng ngyayari sa buhay ko ang alam Niya ang bawat detalye ng aking buhay.

    I am praying din na habang binabasa mo ang sulat niya para sa'yo e maramdaman mo din ang kanyang walang hanggang pagmamahal para sayo at tabggapin mo siya bilang iyong Ama simula sa araw na to.

    Maraming salamat sa panahon mo sa pagbabasa and...

    May God bless you and your whole household with so much blessing from heaven!!!!!

    Thanks,
    Robert.

    ReplyDelete